Friday, August 6, 2010

Interview sa MRT ukol sa fare hike

Naglalakad ako sa pataas ng escalator sa MRT Quezon Avenue station habang ineenjoy ang music ng aking phone ng bigla na lang may itim na mahabang bagay na tumambad sa mukha ko. Nagulat ang diwa ko

Shet ano yan ?!
Sabi ko sa sarili ko, tapos nakita ko na lang yung lalake hawak nya yung mic na itim. Mic pala yung nasa harap ko at sa tabi naman nya ay mamang may camerang pagkalaki laki at sa paanan nila ay pagkadami daming kable. Reporter! WOW mali?!  Kinabahan ako bigla, may sinasabi sya, bumubuka ang bibig nya pero ang naririnig ko ay "im your biggest fan ill folow you until you love me, mama para taxi.." na kanta ni lady gaga. Bumubuka pa rin bibig nya kaya ini-mute ko ang headphone ko pero may delay ito na 1-2 sec kaya nag tanong na naman ako ng  "Ano po ulit yun?" .

Ano po masasabi nyo na magtataas ang pamasahe ng MRT? ~ sabi ng reporter "kuno"

Natataranta pa rin ako at kinakabahan, pers taym ito. My gawd! sagot ko agad ay

OK lang basta di masikip/siksikan

Sabay alis, O di ba ang yabang pala ng dating ko, well late na rin naman ako kaya dapat nya ako maintindihan.

Di ko pa rin matanggap na reporter pala yun, kakaiba yung suot nya, naka shot nga lang yata eh at naka jersey ba or polo shirt na orange. Basta inde mukhang  reporter, mukhang tripper. Baka wow mali.

Di bale naka shades naman ako kung sakaling lumabas sa tv yan, di ako makikilala.

No comments: