Overtime kami nang mga panahon na yan. 10pm na di pa kami nag didinner pero dahil may ginagawa kami ay nag desisyon na lang kaming mag pa deliver sa jollibee, bilang paghahanda sa pagtawag sa delivery hotline ng jollibee na 8-7000 ay kinuha ko ang mga order ng mga kasamahan ko, inilista sa notepad tsaka nag print.
*ako nag dial ng 8-7000*
*pagkatapos ng ilang ring*
ako: Madam! wala sumasagot, tawag ulit ako isa pa
*ako nag dial ng 8-7000*
*pagkatapos ng ilang ring*
ako: Madam! wala talaga, salo salo meal(ng chowkig) na lang *sabay halakhak na parang demonyo*
*si madam (itago na lang natin sya sa pangalang madam) ang nagsubok na tumawag pero wala pa rin
madam: Tara na nga, mag drive thru na lang tayo
At sa madaling salita nag drive thru na lang kami sa pinakamalapit na jollibee.
Iniisa isa ko sana ang order pero tinamad ako kaya binigay ko na lang ang papel na na print. Kumunot si ate tapos ngumisi tapos tinuloy na ang pag lagay ng order sa PCOS machine (ano nga ba pangalan nung nasa counter? na may pera sa ilalim?). Di ko pinansin ang reaction nya, inisip ko na lang baka naangasan sa kin, ang swabe kasi ng pagbigay ko eh.
Tagal mag antay kaya nag biruan muna kami ni kaibigang manoy sa harap ng counter. Madulas ang sahig kaya nag praktis pa ako ng moonwalk ala Michael Jackson.
*tuds tuds billie jean is not my lover, tun tun tun tun tududuntun tududuntuntun tundududududuntun tududuntun tuntun AW, ani are you ok, are you ok are you ok ani~ *
babae sa counter: Sir OK na po ang order nyo.
*chineck ko ang laman ng plastic at kinumpara sa na print na papel*
ako: Ate asan yung extra rice?
babae sa counter: Sir wala naman po extra rice
ako: ayan o (habang tinuturo ang -tingin sa larawan sa baba)
ako at manoy: bwahahaha bwahahaha extra right ahaha wala nga extra right.
*Tapos nag patuloy pa ako sa pagbabasa*
ako at manoy: bwahaha bwahaha chicken spachetti. ahahaha
LOL. Buti na lang cool ako, kahit pahiya na swabe pa rin.
No comments:
Post a Comment