Monday, July 12, 2010

Badtrip na sipon, wala sa ayos eh


Kung sisipunin ako sana isang buong araw na lang na pahirap hindi yung paputol putol. Isipin nyo pagkagising ko ng umaga eh sobrang sakit ng ulo mo na para bang pinipiga ang isang side ng utak nyo. Makakabangon ka ba nun? Syempre tutuloy mo na lang tulog mo pero pagdating ng mga bandang tanghali aayos ang pakiramdam mo. akala mo magaling ka na yun pala pagdating ng hapon papuntang gabi babalik na naman yung sakit ng ulo mo at hirap sa paghinga. Sana mag bago na yung style ng sipon, isama na nya yung sama ng pakiramdam sa tanghali para sa kinabukasan maayos na pakiramdam ko.

Mukhang di tuloy ako makaka pag P.E. bukas, nanunod pa naman ako ng mga tutorial sa youtube kung paano mag swimming properly ng breast stroke, freestyle(using front crawl) at butterfly. Di ko tuloy ma tatry.

Damn.

No comments: