kagagawan kasi ng mga bwisit na di makapagantay at pinipigil ang pinto sa pagsara, nasira tuloy ang mrt,
aw aw aw sa madaling salita pinalabas kami sa cubao station. IMAGINE sa cubao station eh disaster dun eh, oh well wala naman akong no choice, kung mapwesto sa pinakahuling part ng pila. at sa madaling kwento, 30 mins na di pa rin ako makasakay sa dami ng tao, todong tulakan eh. wala pa skil train na dumadating amf. Bumaba ako ngayon at nag bus, pinili ko ung pinakamagandang bus para malamig, enjoy, maayos ang upuan, maganda pa katabi ko pero wala akong pake kasi nagmamadali ako.
swabe na sana kaso pagdating ba naman ng ortigas corner edsa eh tumambay yung bus ng pagkatagal tagal, pati sa ortigas station din na mrt tumambay sya, kaya bumaba na lang ako sa shaw. anak ng pag dating naman sa mrt shaw dami din tao tapos yung dumadaan na tren puno. watapak, 9:30 na nasa shaw pa lng ako, 7:00am ako umalis ng bahay.
Buti pa umalis ako ng 9am gaya ng dati, sakto 9:30 nasa shaw na akosiguro tatlong tren bago ako nakasakay, ok na nakasakay na ako, sana naman di na masiraan. at awa ng diyos di naman na nasira mrt, 10:16am ako dumating sa opisina, normal na oras na dumadating ako pag umaalis ako ng 9am.
Sana ibalik na lang sa 7:30 ang meeting o kaya sana tanggalan ng pinto ang mrt. ewan ko na lang kung may pumwesto pa sa gitna ng tren at makisiksik.
BWISET!
No comments:
Post a Comment