Friday, January 2, 2009

Pang asar sa ibang tao

10. Naalala mo pa yung mga tirang paputok para sa nakalipas na bagong taon? Gamitin mo ito at magpaputok ng alas sais ng umaga(6:00 am). Maghanda ka na sa mga mura ng kapitbahay(magsuot ka ng headphones para kunwari di mo sila naririnig, tandaan headphones dapat at wag earphones para kitang kita nila.)

9. Sa MRT, pumili ng station na mabilis mawalan at magkaroon ng tao gaya ng q.ave , magallanes etc. Siguraduhing wala ng tao dahil nakasakay na sa tren, gumawa ka ng pila pero dapat hinde nakatapat sa isa sa mga pinto ng MRT. Mas magandang gawin ito kung 2 o higit pa kayong magkakasama. Abangan ang reaksyon ng mga tao sa likod ng pila nyo pag dating ng tren.

8. Sa isang internet cafe, i printscreen mo ang desktop at gawing background/wallpaper. Itago ang mga icons(right click > arrange icons > uncheck show desktop icons) at itago din ang taskbar (right click sa taskbar > properties > auto hide taskbar.)

7. Sa bus o shuttle/service, kailangan meron kang kapartner,. magsuot ang isa o kayo pareho ng headphones at itodo ang volume. Magusap kayo at dapat maririnig nyo ang sinasabi nyo kahit na nakatodo ang volume(mas maganda kung sisigaw ka). asahan ng magtitinginan ang mga tao sa inyo.

6. Sa ym, mag log in ka at dapat marami din nakalogin sa listahan mo para madami maasar. pagpalit palitin ang status mo ng “available” at “invisible to everyone” , gawin ito sa loob ng 2 o higit pang minuto.

5. Sa bahay, uminom ka ng uminom ng tubig at gumamit ng ibat ibang baso. itambak lng ng itambak ang mga baso sa lababo at hintayin mo na makita ito ng katulong/nanay/ o kung sino man na maasar pagnakakita.

4. Sa trabaho, pumunta sa cube ng katrabaho, tanungin mo kung nakapagsave na sya ng mga ginagawa nya. Pag katapos sumagot ay pindutin ang power button ng cpu.

3. Sa mall, Pumasok sa entrance at lumabas din kaagad sa exit malapit sa pinasukang entrance door. Tapos pumasok ka ulit sa entrance at lumabas agad sa exit. Ulitin hanggang mapansin ng guard.

2. Sa cellphone, uso naman ang unli kaya tadtarin mo ng sms ang isa mong kakilala hanggang mag hang ang cellphone nya. Syempre dapat di nya alam na ikaw yun dahil mayayari ka. gumamit ng ibang sim card.

1. Tawagin ang isang kakilala at pagmalapit ng lumingon sayo ay ilipat mo naman ang paningin mo sa malayong lugar at magkunwaring parang walang nangyari. Gawin ito ng 2 or tatlong beses hanggang sa di ka na nya pinapansin.


http://hihey.890m.com/blog/2009/01/pang-asar-sa-ibang-tao/

No comments: