Monday, July 12, 2010

Extra right at chicken spachetti

Overtime kami nang mga panahon na yan. 10pm na di pa kami nag didinner pero dahil may ginagawa kami ay nag desisyon na lang kaming mag pa deliver sa jollibee, bilang paghahanda sa pagtawag sa delivery hotline ng jollibee na 8-7000 ay kinuha ko ang mga order ng mga kasamahan ko, inilista sa notepad tsaka nag print.

*ako nag dial ng 8-7000*
*pagkatapos ng ilang ring*

ako: Madam! wala sumasagot, tawag ulit ako isa pa

*ako nag dial ng 8-7000*
*pagkatapos ng ilang ring*

ako: Madam! wala talaga, salo salo meal(ng chowkig) na lang *sabay halakhak na parang demonyo*

*si madam (itago na lang natin sya sa pangalang madam) ang nagsubok na tumawag pero wala pa rin

madam: Tara na nga, mag drive thru na lang tayo

At sa madaling salita nag drive thru na lang kami sa pinakamalapit na jollibee. 

Iniisa isa ko sana ang order pero tinamad ako kaya binigay ko na lang ang papel na na print. Kumunot si ate tapos ngumisi tapos tinuloy na ang pag lagay ng order sa PCOS machine (ano nga ba pangalan nung nasa counter? na may pera sa ilalim?). Di ko pinansin ang reaction nya, inisip ko na lang baka naangasan sa kin, ang swabe kasi ng pagbigay ko eh. 

Facebook emoticons, para sa mga taong pinagdadamutan ng mga kaibigan dahil secret daw

ang litrato sa itaas ay galing sa facebook-smiley.net

Yan panahon mo na ngayon para magpasikat! haha.

isa pang tip , maari ka ring gumamit ng * para maging bold or _ para maging underlined ang salita

example:
*wassap* mhan 
_garena_ tayo



Simulan na ang pagpapasikat!


Mga klase ng tao sa facebook







Ako asar ako sa mga desperate multi level marketer

Yan at maraming pang iba may matatagpuan sa theoatmeal.com


Kaw sino ka sa mga yan at saan ka asar?

Badtrip na sipon, wala sa ayos eh


Kung sisipunin ako sana isang buong araw na lang na pahirap hindi yung paputol putol. Isipin nyo pagkagising ko ng umaga eh sobrang sakit ng ulo mo na para bang pinipiga ang isang side ng utak nyo. Makakabangon ka ba nun? Syempre tutuloy mo na lang tulog mo pero pagdating ng mga bandang tanghali aayos ang pakiramdam mo. akala mo magaling ka na yun pala pagdating ng hapon papuntang gabi babalik na naman yung sakit ng ulo mo at hirap sa paghinga. Sana mag bago na yung style ng sipon, isama na nya yung sama ng pakiramdam sa tanghali para sa kinabukasan maayos na pakiramdam ko.

Mukhang di tuloy ako makaka pag P.E. bukas, nanunod pa naman ako ng mga tutorial sa youtube kung paano mag swimming properly ng breast stroke, freestyle(using front crawl) at butterfly. Di ko tuloy ma tatry.

Damn.

Sunday, July 11, 2010

Gulay na kanina gulay pa ngayon

sa taong gutom walang gulay gulay

Gulay na kaninang umaga, gulay pa sa tanghali, tapos ngayong gabi gulay na naman ?!

Pinagkaiba lang eh nung umaga may kasamang bacon at fried egg.
Pagdating ng tanghali may fried chicken at soup.
Ngayong gabi gulay na lang tsaka lucky me noodles , ahuhuhu naghihirap na talaga kami T_T

kayo ano ulam nyo? Yung amin di ko alam kung sitaw to eh, mukhang sitaw pero walang wrinkles. Basta yung pagkaluto may kasamang pritong baboy na crunchy. Buti na lang may knorr seasoning haha